Monday, October 22, 2012

TIWALA LANG!!!: An Article from the Heart

TIWALA LANG!!!: An Article from the Heart:          Maraming love stories ang nagsimula sa "hi" at "hello" at nagtatapos sa "goodbye". Kung minsan pa nga "hanging"...ang iba naman ha...

Friday, October 19, 2012

An Article from the Heart

         Maraming love stories ang nagsimula sa "hi" at "hello" at nagtatapos sa "goodbye". Kung minsan pa nga "hanging"...ang iba naman hanggang "MU" nalang at hanggang doon nalang talaga yan, period. Walang simula, walang wakas. Ano naman ang i-e-expect mo sa ganong klaseng relationship, eh 'd wala! Wala kasing "commitment". Hindi naman kayo p'wedeng mag-demand sa isa't-isa.

       Pero, may isang relationship na wala talagang "period". Yun ang tinatawag na "love". Yun bang pag tinamaan ka eh, you're willing to give up anything for it..."hay...how romantic..." for those na naramdaman na ang ganitong feeling, pero "how corny" naman for those na kahit puppy love yata eh hindi pa naradaman. Sabi nila kapag inlove ka, lahat ng bagay ay "CORNY" pero masaya! Hahahaha! Parang text message, but that's the reality of "LOVE".

       But how do you define "love" nga ba? Actually, walang perfect definition ang "love" dahil it can not be measured, weighed, explained and it is boundless! It is not just feeling, but a decision. Kaya nga we really have to use not only our hearts, but our brains and our will as well dahil hindi nga naman sa simula ang pagsisisi, kundi palaging nasa hulihan. Kung nasa simula siguro ito at na-fo-foresee natin habang nagsisimula pa lang tayong ma-inlove, siguro ay hindi na tayo magpupumilit pa! Sino nga bang tao na nasa katinuan ang kukuha ng batong ipupukpok n'ya sa ulo n'ya?

      Kapag talagang nagmahal ka, walang "regrets" kahit pa nasaktan ka. Kahit na sabihin pa ng ibang tao sa'yo na "ikaw kasi eh, ang tanga-tanga mo!". Love is not stupid 'no. People fall, and make mistakes, yes but they are not stupid. Siguro talagang nagmahal lang sila, but it will not be the end for them, kasi when you are in the stage of love, you're willing to "let go", kasi mahal mo, you tend to sacrifice, just like what Jesus did. He sacrificed His life so that we would be free from our sins.

                No questions, no boundaries, no end.

       Sana ganito ang lahat ng love story 'no... No question  about the past...what's important is the present, and the future.. Infinite... No end, no "goodbyes". Puro "hi" and "hello". Walang "period", puro "comma", dahil palaging may continuation. Hindi nangangakong palaging smooth ang daraanan, but through it all, nand'yan ang isa't-isa to 
LOVE, LEARN, GROW, and LOVE again.



                                                                by: M.T.E

    


"Friendship in Semester"


                  Ang pagkakaroon ng kaibigan ay isang achievements iyan ang natutunan ko sa kanila. Paano nga ba masusukat ang pagkakaibigan? hmmmm parang madali lang sagutin diba pero kung iisipin nating mabuti mahirap dahil kailanagan mong ilaan ang 1/4 ng iyong buhay sa kanila. 
             
            Kung tutuusin madali lang naman magkaroon o makahanap nang kaibigan ehh!!! pero ang mahirap ay ang humanap nang tunay na kaibigan dahil tulad ng love wala itong pattern. Kung ako ang tatanungin ninyo kung marami akong kaibigan ang sagot ko ay "OO" pero kung may mga tunay ba akong kaibigan ang sagot ko pa rin ay "OO"!. Paano ko sila nakilala heto at ikukuwento ko sa inyo...
              
            Sa isang maliit na kwarto na may apat na sulok sa loob ng compound nang Technological Institute of the Philippines nagumpisa ang aming kwento, Unang araw nang klase (walang date kasi nakalimutan ko na) syempre hindi pa magkakakilala ang lahat kaya isa-isa kaming tumayo sa harapan upang magpakilala pero ikaw dahil hindi mo rin sila kilala makikinig ka lang. Syempre tahimik pa ang lahat unang araw ehh..walang kibuan, halos lahat mabait...Subj. Management masyadong matalino Professor namin dun kasi bago ka magpakilala sasabihin mo muna lahat nang pangalan nang mga nauna sa'yo. Sa palagay dun kami nagumpisa pero parang hindi rin parang sa Finance subject ahh ewan basta isang araw na lang magkakasama kami at nabuong isang grupo. Si Les siya ang pinakamatangkad sa grupo, maputi at may datong(dahil matipid xia sa sarili nia peo samin hindi..joke!!!). Si Lovely isa sa pinakamagaling sa aming grupo. ahhh kamaganak niya ata si Webster ehh, sya rin ang nagpauso ng "GOOGLO MAP"(ex.yung east ave malapit sa sm fairview). Si Pat siya ang pinakaewan(Pat penge ulam, ito ohh!!!(nakatungo lng) nung una pero pasaway din pala hehehehhe, isa rin siya sa kamag anak ni Webster). Ang kambal Si Audrey at Andrea kahit na kambal sila ay magkaiba sila. Si Audrey ay ang nawawalang anak ni "Einstein" at kamaganak din ata sya ni "Webster" hehehhehe!!!. Si Andrea naman ay ang pinamakulit, masayahin at may mahiwagang tawa yung bang pag tumawa sya madadala ka, kamaganak namn siya ni Miriam hehehehhe. Si Marj naman ay ang kamag anak ni "google, dictionary, Einsteins, ahh lahat na halimaw utak nito ehh) basta pag may hindi ka alam puntahan mo lng xia)... 
Si Ate Rachelle  isa siya sa ate ng grupo mabait at laging handang makinig sa aming mga hinaing at aming tiyan(lam nah!!) magaling din siya lalo na sa Natsci...Si Ate Rose  kung hindi aq nagkakamali siya ang aming pinaka ate, always on the go sa kainan at wow magaling mag English speaking ba!!! at Finally ako, Si Cris hmmm anu nga ba? ako ang hirap explain kaibiganin nio nalang ako at kau na magsabi!!!) :D....by the way kami ang "SUPERFRIENDS ".
        
           Superfriends yan ang name ng grupo namin pangkaraniwan na sigurong pangalan  pero iba ang kwento..Ang ""SUPER FRIENDS" ay binubuo ng  10 miyembro at nabuo noong Marso 16 taong 2011. Magkaka classmate kami sa halos lahat ng subject mula umaga hanggang tanghali kaya hindi maiiwasan ang bonding at pagkakaroon ng grupo sa aming section

                    Sa loob lamang ng ilang buwan(1semester) marami ng dumaang pag subok sa aming grupo na kahit anung gawing iwas ay hindi mapigilan, sabi nga nila ang pagkakaroon ng kaibigan ay parang pag-aasawa na rin. Kilangan mong ibigay ang trust, love, respect and understanding  para tumibay at tumagal ang inyong grupo. hanggang isang araw nagkaroon  ng isang matinding pagsubok ang aming samahan. Nawalan ang isa naming member ng isang bagay ng pinakaimportante sa kanya dahil ito ay bunga ng kanyang pagsisikap. 
(hmmmmm putulin na natin ang kwento personal na yon masyado). Dahil sa pagsubok na iyon nagkaroon ng konting lamat ang aming samahan nahati sa dalawa at ako ay napunta sa isang grupo na may panggalang "LECRICIA" binubuo nang tatlong meyembro "(ako, si Les at si Pat)". Ang pagsubok na iyon ay hinding-hindi ko malilimutan dahil iyon ang  sumukat sa aming pagkakaibigan at sa aking pagkatao. Natapos ang semester na may gusot pa rin aming grupo..haizt.

                 Dumating ang Second semester at kami-kami na naman ang magkakasama at balik na naman sa normal ang samahan, iniwan na kasabay ng bakasyon ang hindi pagkakaunawaan at hinarap ang bagong simula. Sa umpisa medyo awkward pa pero hindi nagtagal bumalik na sa normal ang lahat at lalo pang tumibay ang aming samahan sa ngayon ay maybago na namang tawagan ang aming grupo ito ay ang "HON's and MEN", lumawak na kmi at dumami dahil sa mubuting at magandang samahan.

Second year....

           October 22, 2012 nagkita-kita na naman ang grupo(HON's=kapag kulang ang SF's) upang kumuha ng aming marka masaya naman kami sa aming nakita dahil sulit ang pagpupuyat, paguwi sa gabi at pagkakaroon ng mga "CRUSH" nung iba..hmmmm amin amin din!!! 
 


.................itutuloy..................


Thursday, January 13, 2011

EASY KA LANG: KAIBIGAN!!!OO KAW NGA!!!

EASY KA LANG: KAIBIGAN!!!OO KAW NGA!!!: "
Sa bawat araw na nagdaraan ikaw ang aking kaagapay... Sa bawat minuto ikaw ang nagsisilbing lakas upang harapin ang bawat pagsubok......"

KABATAAN NOON AT NGAYON!!!

        Sa paglipas ng panahon marami nang pagbabago ang nangyayari sa ating kapaligiran lalong-lalo na aming mga kabataan? Pero kahit sang henerasyon man tayo galing hindi magbabago ang kasabihang "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN!"..

   Sabi nang matatanda at sa kwento nang akin mga magulang ang kabataan noon ay magalang sa mga nakakatanda sa kanila, nagmamano o kaya humahalik sa pisngi bilang tanda ng pag-galang, gumagamit din sila ng "PO at OPO sa bawat salitang binibigkas nila. Masunurin sila at may kusa sa gawaing bahay, maaasahan din sila sa gawaing bukid tulad ng pagtatanim ng palay,gulay at atb. mapalalaki man o babae. Pagdating naman sa pananamit ay halos mukha nalang nila ang pwede mong makita. Ang kabataan din noon ay makadiyos at halos walang bisyo.

     Samantalang kaming kabataan ngayon ay mulat sa makabagong panahon. Masakit man aminin pero isa ako sa mga kabataan na iyon. Aminin man natin o hindi totoong napalaki ng pinagbago nang henerasyon ngaun kaysa noon.  
      Tayong kabataan ngayon bihira lang ang magagalang, mas marami sa atin ang kung sumagot sa matatanda at sa ating magulang ay pabalang o kaya naman ay parang kasing edad lang natin sila at higit sa lahat ay parang kabarkada lang natin sila. Pagmagsalita tayong mga kabataan ngayon ay parang hindi natin kilala ang mga letrang "PO AT OPO", at bihira na rin sa atin ang nagmamano sa ating mga magulang. Hindi rin tayo maaasahan sa gawaing bahay dahil kapag tayo inuutusan ang lagi nating sinasagot ay "MAMAYA NA! o kaya naman ay "SAGLIT LANG!. Lahat tayo ay nakaasa sa ating mga magulang, kahit nga siguro maghugas nga plato ay inaasa pa natin sa kanila, nagdadabog pa tayo pag hindi maibigay ang gusto natin. Pagdating naman sa pag-ibig masyado na tayong mapupusok, hindi pa nga umaabot ng isang buwan/linggo ang ligawan magnobyo na agad, sa mga kababaihan naman hindi pa nga ikinakasal naisuko na ang perlas nang silangan. At kung manamit ay halos makita na ang kaluluwa at higit sa lahat nagsisimba lang tayo kapag tayo makikipagkita sa ating mga nobyo at nobya kaya nga nauso ang kasabihang "simbang tabi" imbes na simbang gabi ".Halos nang bisyo ating inaakap imbes na iwasan tulad nang "alak", "sigarilyo" at higit sa lahat "droga".
    Sa lahat nang ito nakakalungkot na isipin kung bakit sa kabila nang patuloy na pagbabago sa ating bansa ay ang pagbabago nating mga kabataan. Hindi ko po ninananais/sinasadyang sirain ang reputasyon nating mga  kabataan ang aking lang po ay isang opinyon na naghahanap din nang mga kasagutan kung bakit tayo nagkaganito. Sino ba ang dapat nating sisihin ang teknolohiya na tumutuong upang mapadali ang mga bagay bagay, ang ating mga magulangna walang hinangad kundi ang mapabuti tayo o tayo mismo sa sarili na siyang nagdedesisyon?

       Nais ko lang pong ibahagi sa inyo ang kasabihang ito "LAHAT NANG BAGAY SA MUNDO'Y MAY KATAPUSAN NGUNIT ANG SALITANG "PAGBABAGO" AY HINDI MAGBABAGO SA MUNDONG IBABAW". Isa po sa mga kasabihang hindi ko malilimutan kaya sana magbago na ang pananaw nating mga kabataan, sana ang pagmamahal at paggalang sa ating mga magulang at sa matatanda ay mas mangibabaw. Sana matuto tayong irespeto ang ating mga sarili. Sana mas lumalim pa ang ating pananalig sa diyos.
    
Maraming salamat sa inyong pag-unawa!!!!god bless us!!!

Source(s):

Saturday, January 8, 2011

KAIBIGAN!!!OO KAW NGA!!!

 Sa bawat araw na
nagdaraan ikaw ang aking
kaagapay...
Sa bawat minuto ikaw
ang nagsisilbing lakas upang
harapin ang bawat pagsubok...
Sa bawat pagpatak ng aking
mga luha lage ka lang
nandyan handang dumamay...
Sa bawat ngiti at tuwa n ating
pinagsasaluhan, mundo ang
xiang saksi sa tumitibay nting
samahan....
At habang dumadaan ang panahon
daig pa nting ang nkaunlimited call
and text sa kalukuhan at kakulitan...
Sa bawat tanung ikaw ang
nagsisilbing sagot...
Sa pagabot natin ng ating
mga pangarap asahan mong
lage lang akong akong nandirito,
handang umalalay at umagapay,umintindi,
at magmahal..
dahil ikaw ang salamin ko at lakas
upang makamit q ang aking
tagumpay!!!!
Salamat sa iyo aking kaibigan!!!!
!!!!!!(^_^)!!!!!