Friday, October 19, 2012

"Friendship in Semester"


                  Ang pagkakaroon ng kaibigan ay isang achievements iyan ang natutunan ko sa kanila. Paano nga ba masusukat ang pagkakaibigan? hmmmm parang madali lang sagutin diba pero kung iisipin nating mabuti mahirap dahil kailanagan mong ilaan ang 1/4 ng iyong buhay sa kanila. 
             
            Kung tutuusin madali lang naman magkaroon o makahanap nang kaibigan ehh!!! pero ang mahirap ay ang humanap nang tunay na kaibigan dahil tulad ng love wala itong pattern. Kung ako ang tatanungin ninyo kung marami akong kaibigan ang sagot ko ay "OO" pero kung may mga tunay ba akong kaibigan ang sagot ko pa rin ay "OO"!. Paano ko sila nakilala heto at ikukuwento ko sa inyo...
              
            Sa isang maliit na kwarto na may apat na sulok sa loob ng compound nang Technological Institute of the Philippines nagumpisa ang aming kwento, Unang araw nang klase (walang date kasi nakalimutan ko na) syempre hindi pa magkakakilala ang lahat kaya isa-isa kaming tumayo sa harapan upang magpakilala pero ikaw dahil hindi mo rin sila kilala makikinig ka lang. Syempre tahimik pa ang lahat unang araw ehh..walang kibuan, halos lahat mabait...Subj. Management masyadong matalino Professor namin dun kasi bago ka magpakilala sasabihin mo muna lahat nang pangalan nang mga nauna sa'yo. Sa palagay dun kami nagumpisa pero parang hindi rin parang sa Finance subject ahh ewan basta isang araw na lang magkakasama kami at nabuong isang grupo. Si Les siya ang pinakamatangkad sa grupo, maputi at may datong(dahil matipid xia sa sarili nia peo samin hindi..joke!!!). Si Lovely isa sa pinakamagaling sa aming grupo. ahhh kamaganak niya ata si Webster ehh, sya rin ang nagpauso ng "GOOGLO MAP"(ex.yung east ave malapit sa sm fairview). Si Pat siya ang pinakaewan(Pat penge ulam, ito ohh!!!(nakatungo lng) nung una pero pasaway din pala hehehehhe, isa rin siya sa kamag anak ni Webster). Ang kambal Si Audrey at Andrea kahit na kambal sila ay magkaiba sila. Si Audrey ay ang nawawalang anak ni "Einstein" at kamaganak din ata sya ni "Webster" hehehhehe!!!. Si Andrea naman ay ang pinamakulit, masayahin at may mahiwagang tawa yung bang pag tumawa sya madadala ka, kamaganak namn siya ni Miriam hehehehhe. Si Marj naman ay ang kamag anak ni "google, dictionary, Einsteins, ahh lahat na halimaw utak nito ehh) basta pag may hindi ka alam puntahan mo lng xia)... 
Si Ate Rachelle  isa siya sa ate ng grupo mabait at laging handang makinig sa aming mga hinaing at aming tiyan(lam nah!!) magaling din siya lalo na sa Natsci...Si Ate Rose  kung hindi aq nagkakamali siya ang aming pinaka ate, always on the go sa kainan at wow magaling mag English speaking ba!!! at Finally ako, Si Cris hmmm anu nga ba? ako ang hirap explain kaibiganin nio nalang ako at kau na magsabi!!!) :D....by the way kami ang "SUPERFRIENDS ".
        
           Superfriends yan ang name ng grupo namin pangkaraniwan na sigurong pangalan  pero iba ang kwento..Ang ""SUPER FRIENDS" ay binubuo ng  10 miyembro at nabuo noong Marso 16 taong 2011. Magkaka classmate kami sa halos lahat ng subject mula umaga hanggang tanghali kaya hindi maiiwasan ang bonding at pagkakaroon ng grupo sa aming section

                    Sa loob lamang ng ilang buwan(1semester) marami ng dumaang pag subok sa aming grupo na kahit anung gawing iwas ay hindi mapigilan, sabi nga nila ang pagkakaroon ng kaibigan ay parang pag-aasawa na rin. Kilangan mong ibigay ang trust, love, respect and understanding  para tumibay at tumagal ang inyong grupo. hanggang isang araw nagkaroon  ng isang matinding pagsubok ang aming samahan. Nawalan ang isa naming member ng isang bagay ng pinakaimportante sa kanya dahil ito ay bunga ng kanyang pagsisikap. 
(hmmmmm putulin na natin ang kwento personal na yon masyado). Dahil sa pagsubok na iyon nagkaroon ng konting lamat ang aming samahan nahati sa dalawa at ako ay napunta sa isang grupo na may panggalang "LECRICIA" binubuo nang tatlong meyembro "(ako, si Les at si Pat)". Ang pagsubok na iyon ay hinding-hindi ko malilimutan dahil iyon ang  sumukat sa aming pagkakaibigan at sa aking pagkatao. Natapos ang semester na may gusot pa rin aming grupo..haizt.

                 Dumating ang Second semester at kami-kami na naman ang magkakasama at balik na naman sa normal ang samahan, iniwan na kasabay ng bakasyon ang hindi pagkakaunawaan at hinarap ang bagong simula. Sa umpisa medyo awkward pa pero hindi nagtagal bumalik na sa normal ang lahat at lalo pang tumibay ang aming samahan sa ngayon ay maybago na namang tawagan ang aming grupo ito ay ang "HON's and MEN", lumawak na kmi at dumami dahil sa mubuting at magandang samahan.

Second year....

           October 22, 2012 nagkita-kita na naman ang grupo(HON's=kapag kulang ang SF's) upang kumuha ng aming marka masaya naman kami sa aming nakita dahil sulit ang pagpupuyat, paguwi sa gabi at pagkakaroon ng mga "CRUSH" nung iba..hmmmm amin amin din!!! 
 


.................itutuloy..................


No comments:

Post a Comment